Anong tamang pang-angkop ang gagamitin sa pagtambal ng mga salitang "mapagmahal ina"
na
"Nag-aaral ang ikaapat na baitang sa RMM." Ano ang pang-abay na panlunan sa pangungusap?
sa RMM
Ano ang mga uri ng pang-angkop?
na at -ng
Ito ang tawag sa tinatangkilik sa kasalukuyan kung saan ang mga manunula o makata ay sumulat ng mga tulang laan para basahin nang malakas sa harap ng mga manonood.
spoken word poetry
Uri ng pang-abay na nagsasabi tungkol sa paraan ng paggawa ng kilos ng pandiwa.
pamaraan
Bahagi ng editoryal na mababasa sa bahaging ito ang panig na pinaniniwalaan at pinaninindigan ng patnugot at ng pahayagan.
katawan
"Magaling sumayaw si Angela." Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?
magaling
Tawag sa uri ng talambuhay na kung iba ang magsusulat tungkol sa buhay ng isang tao.
pang-iba
Bahagi ng editoryal na nakasaad ito sa nakapanghihikayat na paraan upang tumatak sa isipan ng mambabasa ang mensaheng nais itanim sa kanilang isipan
wakas
Anong tamang pang-angkop ang gagamitin sa pagtambal ng mga salitang "babae maganda"
-ng
Ang pinagsama-samang taludtod
saknong
Dahil, at, upang, samantala ay mga halimbawa ng anong pang-ugnay?
pangatnig
Tawag sa uri ng talambuhay na kung ang manunulat mismo ang magsusulat ng tungkol sa kanyang buhay.
pansarili
Anong tamang pang-angkop ang gagamitin sa pagtambal ng mga salitang "magaling bata"
na
Ito ay isang uri ng akdang pampanitikang gumagamit ng matatalinghagang salita at nagtataglay ng kariktan o kagandahan.
tula
"Sumagot nang magalang ang mga bata kapag kinakausap." Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?
magalang
Ang bawat linya sa isang tula
taludtod
Ito ay pinakaboses ng isang pahayagan. Mababasa rito ang kuro-kuro o pananaw ng editor tungkol sa mga napapanahong isyu.
editoryal
Ang talambuhay ay salaysay tungkol sa buhay ng isang tao.
talambuhay
Bahagi ng editoryal na ipinakikilala o sinasabi kung tungkol saan ang isyung tatalakayin ng editoryal.
panimula
Pang-abay na nagsasabi ng panahon kung kailan nangyari ang pandiwa.
pamanahon
"Namalengke kanina si tita Alice." Ano ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap?
kanina
Anong tamang pang-angkop ang gagamitin sa pagtambal ng mga salitang "mabuti kaibigan"
-ng
Pang-abay na nagsasabi ng lugar o lunan kung saan nangyari ang kilos ng pandiwa.
panlunan
Bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa nito
pang-abay
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.