Study

EPP 4 1st Quarter Group Recitation

  •   0%
  •  0     0     0

  • Anong paraan ito ng pagtatanim ng mga binhi?
    Di-tuwirang Pagtatanim/Indirect Seeding Method (Seksuwal)
  • Ito ay may ilang matitigas na sanga ngunit hindi gaanong tumataas, o pinatataas, tulad ng mga punongkahoy.
    Halamang Palumpong (Shrub)
  • Ang uri ng lupa na ito ay madaling mabulok ang ugat ng mga halaman kung basa (o nadidilig) at natutuyot o “nasasakal” naman ang halaman kung ito ay tuyo (o di nadidilig).
    Luwad (Clay)
  • Anong pamamaraan ng pagpaparami ng halamang ornamental ang ipinapakita?
    Marcotting (Aseksuwal)
  • Ito ay ginagamit sa pagdurog at pagbungkal ng lupa bago ito taniman ng halaman.
    Asarol (Hoe)
  • Ginagamit ito sa pagbungkal ng lupa, pagdurog, at pagpapapino ng malalaki at matitigas na tipak ng lupa.
    Piko (Pick)
  • Ito ay tumataas at may matigas na katawan (trunk) at mga sanga.
    Punongkahoy
  • Ang lupang ito ay lubhang magaspang dahil ito ay binubuo ng maliit at pinong bato.
    Mabuhanging Lupa (Sandy)
  • Ang mga halamang ito ay hindi makatayo sa sarili nang mataas kaya’t gumagapang na lamang ang mga ito.
    Halamang Baging (Vine)
  • Ito ay ginagamit sa paghuhukay at sa paghahakot ng mga lupa o anomang mga dumi sa taniman.
    Pala (Shovel)
  • Anong paraan ito ng pagtatanim ng mga binhi?
    Tuwirang Pagtatanim/Direct Seeding Method (Seksuwal)
  • Anong paraan ng pagtatanim ang ipinapakita sa larawan?
    Rhizome (Aseksuwal)
  • Ano ang ginagamit upang bungkalin o buhaghagin ang lupa sa paligid ng halamang tanim?
    Dulos (Trowel)
  • Ang ganitong uri ng pagsasapamilihan ay nangangailangan ng malaking puhunan, mahabang oras, at masusing kaalaman sa paghahalaman at pagsasapamilihan.
    Sa mga Pamilihang Bayan
  • Ito ay ginagamit pang-ipon ng mga nagkalat na dumi at mga tuyong dahon at damo at sa pagbuhaghag ng lupang taniman.
    Kalaykay (Rake)
  • Marami ang naniniwala na ang ornamental na halamang ito ay nagdadala ng magandang kapalaran sa isang tahanan.
    Red palm
  • Anong paraan ng pagpaparami ng halaman ang ipinapakita sa larawan?
    Cutting (Aseksuwal)
  • Anong uri ng lupa ang karaniwang nagtataglay ng nabubulok na organikong materyales?
    Loam
  • Ang ganitong pamilihan ay karaniwang ginaganap sa mga pribadong bakanteng lote o puwesto tuwing may espesyal na okasyon lamang.
    Tiangge
  • Ang mga ito ay pangkaraniwan at katutubong nabubuhay nang nakakapit sa mga batuhan at mga punongkahoy.
    Orkidyas at Pako (Orchids and Fern)