Study

Graded Recitation

  •   0%
  •  0     0     0

  • Bakit binibisita ng Biyenan ang palayan araw-araw?
    Dahil sa nagbibitak-bitak na lupa sa taniman dulot ng tagtuyot
  • Ano ang panalangin ng maniningil ng buwis?
    (sagot)
  • Bakit malungkot ang mga magsasaka?
    Dahil sa tagtuyot
  • (pang-angkop) Si Benjamin ang ikalawa____ anak ni Ginang Garcia.
    ikalawaNG anak
  • Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (kasi, hanggang, samantalang) inaaksaya mo lang ang perang bigay nila sa iyo.
    samantalang
  • (pangatnig) (Subalit, Bagama’t, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya.
    Dahil
  • (pang-angkop) Ang matamis ____ tagumpay ay nakamit nila dahil sa pagtitiyaga.
    matamis NA tagumpay
  • (pangatnig) Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira ang mga ngipin.
    upang
  • (pang-angkop) Bumili ako ng masarap ____ almusal.
    masarap NA almusal
  • Ano ang irigasyon?
    (sagot)
  • (pang-ukol) Para kay Juan ang pagkaing ito.
    para kay
  • Ang tatlong elemento ng dula.
    Tauhan, Banghay, Diyalogo
  • Bakit nagtungo sa templo ang maniningil ng buwis at pariseo?
    mananalangin
  • (pang-angkop) Mahilig magbasa ng mga kuwento____ bayan ang magkapatid.
    kuwentoNG bayan
  • (pang-angkop) Dahan-dahan____ naglakad ang bata palabas ng bahay.
    dahan-dahanG naglakad
  • (pangatnig) (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.
    Dahil
  • Ano ang kahulugan ng "lansihin?"
    lokohin, linlangin
  • (pangatnig) Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat ng Pilipinas.
    habang
  • (pangatnig) Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.
    kahit
  • (pang-ukol) Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng kanilang bahay at hindi na nakabalik noong tanghali.
    ayon sa
  • Ano ang kahulugan ng "nanlulumo"?
    nananamlay, nanghihina, nalulungkot
  • (pang-angkop) Kailangan ko ng matibay ____ sapatos.
    matibay NA sapatos
  • Ang tatlong pang-ugnay na tinalakay.
    Pang-angkop, Pangatnig, Pang-ukol
  • (pang-ukol) Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
    ayon kay
  • (pang-angkop) Iligpit na natin ang mga natira____ pagkain sa mesa.
    natiraNG pagkain
  • (pang-ukol) Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.
    ayon kay
  • Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa dula.
    Banghay
  • (pangatnig) Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi galing eskuwelahan.
    ngunit
  • Ano ang kahulugan ng "pinitak"?
    lupang taniman
  • (pang-ukol) Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
    ukol kay
  • Ibigay ang mga tauhan sa dulang "Ang Labu-labo sa Pamilya"
    Biyenan, Manugang, Asawa, (Alkalde)
  • Akdang pampanitikan na itinatanghal sa entablado o tanghalan.
    Dula
  • Ano ang "parabula"?
    Kuwentong naglalaman ng mga talinhaga.
  • (pang-angkop) Ang tunay ____ kaibigan ay matapat at maunawain.
    tunay NA kaibigan
  • (Ang Labu-labo sa Pamilya) Ang dulang ito ay hango sa dulang_.
    Hapon
  • Elemento ng dula na ginagamit upang ipaalam sa manonood ang mga nagaganap at magaganap pa lamang na pangyayari.
    Diyalogo/Script
  • Bakit hindi magkasundo ang magbiyenan?
    Dahil nag-aagawan sila sa pagkuha ng patubig
  • (pang-ukol) Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
    para sa
  • (pang-agkop) Nakatulog kaagad si Tatay dahil sa sobra____ pagod sa trabaho.
    sobraNG pagod
  • Bahagi ng pananalita na nag-uugnay o nagdurugtong sa mga salita, sugnay, o pangungusap.
    Pang-ugnay
  • Ano ang kahulugan ng "hinahamak"?
    inaalipusta
  • (pang-ukol) Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
    hinggil kay
  • (pang-ukol) Ano ang magagawa mo para sa kabutihan ng ating bansa?
    para sa
  • Ang gumaganap sa dula.
    Tauhan
  • Ano ang panalangin ng Pariseo?
    (sagot)
  • (pangatnig) Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
    o
  • (pang-ukol) Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juanito.
    para sa