Study

Class Game for Grade 5

  •   0%
  •  0     0     0

  • Ibigay ang apat (4) na gamit ng Panghalip.
    paksa, kaganapang pansimuno, layon ng pandiwa at layon ng pang-ukol
  • (Dito, Doon, Diyan) sa tabi ko ay mayroong madaming isda.
    dito
  • Hanapin ang pangngalan sa pangungusap at tukuyin ang gamit nito. Ang jeep ay sasakyang sinakyan ng Grade 5.
    Kaganapang Pansimuno
  • Hanapin ang pangngalan sa pangungusap at tukuyin ang kasarian nito. Malugod na nagpakilala ang bagong kapitbahay.
    kapitbahay - di-tiyak
  • Magbigay ng limang (5) ngalan ng bagay na pambalana.
    lapis, baso, mesa, polbo, at kurtina
  • Ibigay ang anim (6) na gamit ng pangngalan.
    Simuno, Kaganapang Pansimuno, Pantawag, Pamuno, Layon ng Pandiwa, at Layon ng Pang-ukol
  • Basahin ang pangungusap. Hanapin ang pangngalan at tukuyin ang kailanan nito. Kilala ang kambal na iyon sa pagiging masipag.
    kambal - dalawahan
  • Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng ngalan ng tao na pantangi at tatlong (3) ngalan ng hayop na pambalana.
    Mae, Ann, Des - aso, pusa, ibon
  • Magbigay ng tatlong (3) kasarian ng pangngalan na di-tiyak.
    pinsan, kapatid, kaklase
  • Isulat ang gamit ng pangngalan na makikita sa kaukulang palagyo.
    simuno, kaganapang pansimuno, pamuno at pantawag
  • Ibigay ang apat na uri ng panghalip.
    Panao, Pamatlig, Panaklaw, at Pananong
  • Basahin ang pangungusap. Hanapin ang panghalip at tukuyin kung ano ang kaukulan nito. Ang cellphone niya ay bagong bili.
    Paari
  • Piliin ang naiiba at tukuyin ang kung ano ang uri ng pangngalan ito. karagatan, kalikasan, kapayapaan, kabundukan
    kapayapaan - basal
  • Alin ang naiiba. guro, bumbero, ginoo, karpintero
    ginoo - panlalaki
  • (Ano-ano, Sino-sino, Kani-kanino) ang mga magtatanghal mamaya sa paaralan?
    Sino-sino
  • Gumamit ng panghalip pananong at gawing patanong ang pasalaysay na pangungusap. Ang pusa ang paboritong hayop ni Mika.
    Ano ang paboritong hayop ni Mika?
  • Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng pangngalang basal.
    hustisya, pag-ibig, kapayapaan
  • Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng panghalip panaklaw.
    kailanman, lahat, gaanuman, magkanuman, saanman
  • Tukuyin anong gamit ng panghalip ang makikita sa pangungusap. Tayo ang mga mag-aaral na napiling magtungo sa ASEAN Summit.
    Kaganapang Pansimuno
  • Ibigay ang uri ng pangngalan ayon sa tungkulin.
    tahas/kongkreto, basal/di-kongkreto, lansakan