Ibigay ang lahat ng panghalip na makikita sa pangungusap at tukuyin ang uri ng mga ito. Ano ang pasalubong mo sa akin galing sa China?
ano - pananong, mo - panao, akin - panao
Piliin ang naiiba. (kurtina, pinto, mansanas, organisasyon)
organisasyon - lansakan
Hanapin ang lahat ng pangngalan sa pangungusap at tukuyin ang uri nito ayon sa katangian, ayon sa tungkulin at kasarian. Lahat ng mga bote at diyaryo ay ipunin ninyo para sa darating na pista.
bote - pambalana - tahas - walang kasarian
diyaryo - pamabalana - tahas - walang kasarian
pista - pambalana - basal - walang kasarian
Magbigay ng tatlong (3) pangngalan na lansakan.
pangkat, tropa, barkada, buwig, batalyon
Tukuyin ang gamit ng panghalip na makikita sa pangungusap. Kami ang mga batang naglalakad kagabi sa kalye.
Kaganapang Pansimuno
Palitan ng wastong panghalip panao ang mga salitang nasa loob ng panaklong at tukuyin ang panauhan at kailanan nito. (Sina Jacob, Kiko at Jacob) ay namasyal sa Sagada, Baguio at Ifugao.
Sila - Ikatlong Panauhan - Maramihan
Magbigay ng limang (5) halimbawa ng panghalip panaklaw.
gaanuman, lahat, anuman, saanman, alinman, madla
(Sino, Kanino, Ano) ko dapat ibigay ang regalong ito?
Kanino
(Ano, Alin, Sino) ang gusto mong makapareha?
Sino
Alin ang naiiba. (mananahi, modista, magsasaka, pinuno)
modista - pambabae
Basahin ang pangungusap at ibigay ang gamit ng panghalip na makikita. Si Donald Trump ay nagpositibo sa COVID-19.
Simuno/Paksa
Ano ang kahulugan ng salitang kaltas?
bawas
Ano ang kahulugan ng salitang marikit?
maganda
Piliin ang tumpak na panghalip. May bubog sa likod mo. Mahg-ingat ka (dito, doon, diyan).
diyan
Piliin ang naiiba sa loob ng panaklong. (pari, tatay, pulis, manong)
pulis - di-tiyak
(Gaanuman, Sinuman, Kailanman) hinding-hindi kita makakalimutan dahil ikaw ay isang mabuting kaibigan sa akin.
Kailanman
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.