Edit Game
Bible Verse
 Delete

Use commas to add multiple tags

 Private  Unlisted  Public




Delimiter between question and answer:

Tips:

  • No column headers.
  • Each line maps to a question.
  • If the delimiter is used in a question, the question should be surrounded by double quotes: "My, question","My, answer"
  • The first answer in the multiple choice question must be the correct answer.






 Save   25  Close
Umasa ka kay Jehova; Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka. Oo, umasa ka kay Jehova.
Awit 27:14
Kaya lalakas ang loob natin at masasabi natin: “Si Jehova ang tumutulong sa akin; hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?
Hebreo 13:6
Huwag kayong mag-alala tungkol sa susunod na araw, dahil ang kasunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga álalahanín. Sapat na ang mga problema sa bawat araw
Mateo 6:34
“Kaya sinasabi ko sa inyo: Huwag na kayong mag-alala kung ano ang kakainin o iinumin ninyo, o kung ano ang isusuot ninyo. Hindi ba mas mahalaga ang buhay kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa pananamit?
Mateo 6:25
Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa kahit pa may dahilan kayo para magreklamo laban sa inyong kapuwa. Kung paanong lubusan kayong pinatawad ni Jehova, dapat na ganoon din ang gawin ninyo
Colosas 3:13
“Si Jehova nawa ang magbantay sa akin at sa iyo kapag hindi natin nakikita ang isa’t isa
Genesis 31:49
Patatatagin niya kayo, palalakasin niya kayo, gagawin niya kayong matibay
1 Pedro 5:10
Maligaya ang taong hindi sumusunod sa payo ng masasama At hindi tumatayo sa daan ng mga makasalanan At hindi umuupo sa upuan ng mga nangungutya.
Awit 1:1
Pero hayaang gawin ng pagtitiis ang layunin nito, para kayo ay maging ganap at malusog sa lahat ng aspekto at hindi nagkukulang ng anuman
Santiago 1:4
Kaya kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, patuloy siyang humingi sa Diyos, dahil sagana Siyang nagbibigay sa lahat at hindi nandurusta, at ibibigay iyon sa kaniya
Santiago 1:5
Hindi sila magtatayo pero iba ang titira, At hindi sila magtatanim pero iba ang kakain. Dahil ang mga araw ng bayan ko ay magiging gaya ng mga araw ng isang puno, At lubusan silang masisiyahan sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
Isaias 65:22
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat
Filipos 4:6
Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo para hindi kayo mailigaw ng sinuman.
Mateo 24:4
Magkaroon ka ng masidhing kasiyahan kay Jehova, At ibibigay niya sa iyo ang mga kahilingan ng puso mo
Awit 37:4
At ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng lahat ng bansa, at pagkatapos ay darating ang wakas
Mateo 24:14
Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon At isang kapatid na maaasahan kapag may problema.
Kawikan 17:17
Matuwid ang Diyos, kaya hindi niya lilimutin ang mga ginawa ninyo at ang pag-ibig na ipinakita ninyo para sa pangalan niya sa pamamagitan ng paglilingkod at patuloy na paglilingkod sa mga banal
Hebreo 6:10
Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore. Doon tumatakbo ang matuwid at tumatanggap ng proteksiyon.
Kawikaan 18:10
Kung paanong ang bakal ay napatatalas ng bakal, Napatatalas din ng isang tao ang kaibigan niya.
Kawikaan 27:17
Magtiwala ka kay Jehova nang buong puso, At huwag kang umasa sa sarili mong unawa.
Kawikaan 3:5
Malaman nawa ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, Ikaw lang ang Kataas-taasan sa buong lupa.
Awit 83:18
Anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ito nang buong kaluluwa na parang kay Jehova kayo naglilingkod at hindi sa mga tao
Colosas 3:23
Dahil kumbinsido ako na kahit ang kamatayan o buhay o mga anghel o mga pamahalaan o mga bagay na narito ngayon o mga bagay na darating o mga kapangyarihan o taas o lalim o anupamang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig....
Roma 8: 38,39
Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako. Huwag kang mag-alala, dahil ako ang Diyos mo. Papatibayin kita, oo, tutulungan kita, Talagang aalalayan kita sa pamamagitan ng matuwid kong kanang kamay.’
Isaias 41:10
Kaya kayo rin, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniatas sa inyo, sabihin ninyo: ‘Kami ay hamak na mga alipin lang. Ginawa lang namin ang dapat naming gawin.
Lucas 17:10