Edit Game
CLASS GAME (PANDIWA AT PANG-URI)
 Delete

Use commas to add multiple tags

 Private  Unlisted  Public




Delimiter between question and answer:

Tips:

  • No column headers.
  • Each line maps to a question.
  • If the delimiter is used in a question, the question should be surrounded by double quotes: "My, question","My, answer"
  • The first answer in the multiple choice question must be the correct answer.






 Save   20  Close
Ipinanggugupit ni Aling Nene ang gunting kanina. Anong pokus ng pandiwa ang iyong nakita?
Gamit o Instrumental
Ang kaguluhan ay iniiwasan ng bawat tao sa barangay. Anong pokus ang makikita sa pangungusap?
Layon o Gol
Ang simbahan ay pinupuntahan ng buong mag-anak tuwing Pasko. Anong pokus ng pandiwa ang iyong nakita?
Ganapan o Lokatib
Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang makikita. (Ang Ikaanim na Baitang ay naghahanda na sa paparating na pagsusulit.)
Tagaganap o Aktor
Isulat ang tatlong aspekto ng salitang-ugat na "mano"
nagmano - nagmamano - magmamano
Ibigay ang tatlong (3) apekto ng pandiwa.
perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo
Kompletuhin ang sumusunod. (tinulak, ________, ________)
tinutulak, itutulak
Tukuyin ang uri ng pandiwa. (Kami ay nakaisip ng proyektong pantahanan na mapakikinabangan natin.)
palipat
Anong uri ng pandiwa ang makikita. (Ang tren ay tumirik bago ito makarating sa istasyon.)
katawanin
Ibigay ang tatlong (3) kaantasan ng pang-uri at magbigay ng mga halimbawa nito.
lantay - mabaho, pahambing - mas mabago, pasukdol - pinakamabaho
Anong uri ng di-magkatulad na paghahambing ang makikita sa pangungusap. (Higit na mahusay ang pangkat A kaysa sa pangkat B.)
palamang
Ibigay ang tatlong kaantasan ng salitang-ugat na "iksi"
maiksi, mas maiksi, pinakamaiksi
Malayong-malayo ang bayan ng Magalang mula rito. Isulat ang pang-uri at tukuyin ang kayarian nito.
malayong-malayo - inuulit
Abot-kaya na ngayon ang mga paninda niya. Isulat ang pang-uri na iyong nakita sa pangungusap at tukuyin ang kayarian nito.
abot-kaya - tambalan
Alin ang naiiba? Tukuyin ang kayarian ng iyong pinili. (maiksi, dakila, marupok)
dakila - payak
Ibigay ang tatlong (3) kailanan ng pang-uri.
Isahan, Dalawahan at Maramihan
Bukas ang ikawalong anibersaryo nina Benjamin at Becky. Anong uri ng pang-uri ang iyong nakita?
Pang-uing pamilang
Ito ang unang pagsusulit namin sa paaralan. Anong uri ng pang-uri ang makikita sa pangungusap?
Pang-uring pamilang
Anong uri ng pang-uri ang makikita. (Tumulong kami sa paggawa ng makulay na saranggola.)
Pang-uring panlarawan
Basahin ang pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pang-uri ang makikita mula rito. (Ang empanadang Ilocos ang kanyang paboritong pagkain.)
Pang-uring pantangi