paksa, kaganapang pansimuno, layon ng pandiwa, at layon ng pang-ukol
Hanapin ang panghalip na ginamit at tukuyin ang kaukulan nito. Kami ay nagtuturo ng mga bata sa kabilang barangay.
kami - palagyo (paksa)
Kaninuman mapunta itong napakagandang regalo ay tiyak na masuwerte. Ibigay ang panghalip na nakita at tukuyin ito.
kaninuman - panghalip panaklaw
Basahin ang pangungusap at hanapin ang pangngalan, tukuyin ang kaukulan nito.
Si Zoilo, ang kaibigan ko, ang nakipag-usap sa iyo kahapon.
Pamuno
Piliin ang naiiba. kumpol, baso, lapis, pambura
kumpol - lansakan
Hanapin ang pangngalan sa pangungusap at tukuyin ang gamit nito. Melissa, ikaw ay tunay na kakaiba sa lahat.
Melissa - pantawag
Gumamit ng panghalip pananong at gawing patanong ang pasalaysay na pangungusap na mababasa. Kasama ko kanina sa silid-aklatan sina Mark, Troy at Kurt.
Sino ang kasama mo kanina sa silid-aklatan?
Alin ang naiiba? halaga, kutsara, hustisya, kalayaan
kutsara - tahas
Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga salitang makikita sa loob ng panaklong. Ibigay ang panauhan at kailanan ng panghalip na ipapalit. (Ikaw at ako) _____ ay dapat sumusunod sa mga tuntunin na ibinigay ng ating pinuno.
tayo - unang panauhan - maramihan
Magbigay ng limang (5) pangngalan na pambabae.
nanay, ate, inahin, madre, tita
Ibigay ang lahat ng pangngalan na makikita sa pangungusap.
Ang mga bata sa palaruan ay kumakain ng ice cream habang nakikipagkwentuhan kay Mang Kanor.
bata, palaruan, ice cream, Mang Kanor
Kompletuhin ang mga sumusunod. duke = _______, modista = _______, tiyahin = _____
duke = dukesa, modista = sastre, tiyahin = tiyuhin
Anong gamit ng pangngalan ang makikita sa pangungusap. Ang solusyong ito ay inihanda para sa mamamayang Pilipino.
Layon ng Pang-ukol
Ibigay ang gamit ng pangngalan na kabilang sa kaukulang palagyo.
Simuno, pantawag, kaganapang pansimuno, at pangngalang pamuno
Ibigay ang tatlong (3) kaukulan ng panghalip.
palagyo, palayon, paari
Piliin ang naiiba. tandang, manok, sisiw, itik
tandang - panlalaki
Tukuyin ang gamit ng pangngalan na makikita sa pangungusap. Ang Magnificat Academy ay isang paaralang nagsusulong ng magagandang asal at gawi.
paaralan - kaganapang pansimuno
Basahin ang pangungusap. Hanapin ang lahat ng pangngalan at tukuyin ang uri nito ayon sa katangian at ayon sa tungkulin. Ang presidente ay naghahanda para sa darating na Pasko.
presidente - pambalana - tahas
Pasko - pantangi - basal
Magbigay ng limang (5) ngalan ng tao ng pambalana.
guro, pinsan, kamag-anak, kapatid, pulis
Magbigay ng dalawang (2) ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
nanay at tatay, baso at papel, aso at pusa, kwarto at banyo, kaarawan at anibersaryo