Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP. Halatang-halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay.
Obhetibo
Sa mga karangalan na nakakamit ng aking mga anak nagbibigay ito sa akin ng kaligayahan. Sila ang aking mga anghel at kayamanan sa buhay.
Subhetibo
Malakas ang loob ng anak kong si EJ kung kaya kapag magkasama kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin sa mga panahong maraming suliranin ang pamilya.
Subhetibo
Mataba at masaganang kumain ang alaga kong aso.
Obhetibo
Paboritong kong pasyalan ang Baquio. Bukod sa malamig ang klima ay binibigyan ako nito ng katahimikan ng loob at panahon para malalim na pag-isipan ang mga nangyayari sa aking buhay.
Subhetibo
Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Lea.
Obhetibo
May mga bansang mabagal ang pag-unlad at naghihirap ang mga tao.
Obhetibo
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.