Game Preview

3 URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN NI ARISTOTLE

  •  English    8     Public
    Kusang loob, Di Kusang Loob o Walang Kusang Loob
  •   Study   Slideshow
  • Simula pa lamang pagkabata, may kakaibang pag-uugali na si John. Gustong-gusto niya ang manguha ng gamit ng ibang tao.
    KUSANG-LOOB
  •  5
  • Gipit sa buhay si Boyet. Palagi siyang tumutulong sa kaniyang magulang upang kumita ng pera. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang kanyang ama. Malaking pera ang kailangan nila. Kahit ayaw ni Boyet, siya ay nangholdap sa isang binatilyo.
    DI KUSANG-LOOB
  •  5
  • Mula sa isang broken family si Anna. Kaya noong siya ay nagkapamilya niya, ninais at talagang ginawa niya ang kanyang lahat upang maging maayos ang pagsasama nila ng kanyang asawa at mga anak dahil ayaw na niyang maulit ang naranasan niya.
    KUSANG-LOOB
  •  5
  • Si May ay isang tahimik ngunit mahusay na mag-aaral. Isa sa mga requirements ng kanilang propesor ay ang pakikilahok sa isang rally. Bagamat taliwas sa kanyang paniniwala, minabuti ni May na sumama upang makakuha ng mataas na marka.
    Di KUSANG-LOOB
  •  5
  • Mayroong tatlong taong gulang na kapatid si Aaron. Kahit mali, tinuturuan nila ang bata ng hindi magagandang mga salita at gawi para sa sariling kaaliwan. Ang kanyang kapatid na walang muang ay sumusunod sa kanilang mga sinasabi.
    WALANG KUSANG LOOB
  •  5
  • Si Pedro ay galing ng probinsya. Doon siya nanirahan simula pagkabata kaya hindi siya pamilyar sa mga batas trapiko at daan dito sa Maynila. Dahil sa pagmamadali, hindi sinasadya ni Pedro na tumawid sa daang ipinagbabawal.
    WALANG KUSANG-LOOB
  •  5
  • Bagamat alam ni Esther na mali ang mangopya sa pagsusulit, ginawa pa rin niya ito upang makakuha ng mataas na marka.
    KUSANG-LOOB
  •  5
  • Si Anna ay masipag na bata. Lagi niyang tinutulungan ang kanyang mga magulang sa paglilinis ng bahay at pagtitindi at ginagawa niya ito ng may masayang kalooban.
    KUSANG LOOB
  •  5