Game Preview

Pang-abay at ang Unang Uri Nito

  •  Finnish    17     Public
    Halina't alamin ang pang-abay at pang-abay na pamaraan.
  •   Study   Slideshow
  • Ang kabayo ay matulin. (Ang matulin ay isang pang-abay o pang-uri?)
    Pang-uri
  •  10
  • Ang aming guro ay mahusay magpaliwanag ng iba't ibang leksyon. (Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?)
    mahusay
  •  20
  • Si Flor ay magaling na manunulat ng mga kuwentong pambata. (Ang salitang magaling ay isang pang-uri o pang-abay?)
    Pang-uri
  •  15
  • Matiyagang nag-aaral ang magkaibigang Shoko at Shoya. (Ang matiyaga ay isang pang-abay o pang-uri?)
    Pang-abay
  •  15
  • Ang buhay ng mag-anak na Perez ay maginhawa. (Ano ang ginamit na salitang naglalarawan sa pangungusap? Ito ba ay pang-abay o pang-uri?)
    maginhawa, pang-uri
  •  25
  • Maingat niyang ibinuhos ang inumin sa baso. (Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?)
    maingat
  •  20
  • Maingat siya sa paggawa ng anomang bagay. (Ang salitang maingat ay pang-uri o pang-abay?)
    Pang-uri
  •  25
  • Ako ay malungkot dahil nagalit sa akin si Adrian. (Ang salitang malungkot ay pang-uri o pang-abay?)
    Pang-uri
  •  15
  • Nag-usap nang pasigaw ang mga magulang ni Clyde. (Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?)
    Pasigaw
  •  15
  • Si Lola Trining ay palihim na nag-iipon ng palihim. (Ano ang pang-abay na pamaraang ginamit sa pangungusap?)
    palihim
  •  20
  • Ang mga damit ay tiniklop ni Cindy nang maayos. (Ano ang pang-abay na pamaraang ginamit sa pangungusap?)
    maayos
  •  15
  • Ang dyanitor ay dali-daling naglinis upang makauwi. (Ano ang pang-abay na pamaraang ginamit sa loob ng pangungusap?)
    dali-dali(ng)
  •  20
  • Ang mga damit na nasa tokador ay mabilis na sininop ni Aling Magda. (Ano ang pang-abay na pamaraang ginamit sa loob ng pangungusap?)
    mabilis
  •  15
  • Malungkot na lumayas ang anak ni Hilda sa kanilang bahay. (Ano ang pang-abay na pamaraang ginamit sa pangungusap?)
    malungkot
  •  15
  • Ang bagong mag-aaral ay malumanay magsalita. (Ano ang inilalarawan ng pang-abay na malumanay?)
    magsalita
  •  25
  • Matagumpay na naisagawa ang operasyon para kay Fernando. (Ano ang inilalarawan ng salitang matagumpay sa loob ng pangungusap?)
    naisagawa
  •  15