Game Preview

ORAL QUIZ - GRADE 6

  •  English    24     Public
    Oral Assessment for Grade 6.
  •   Study   Slideshow
  • Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salitang hambog. (makulit, makati, mayabang, mabilis)
    mayabang
  •  5
  • (Ano, Alin, Sino) ang gusto mong makapareha?
    Sino
  •  5
  • Ano ang kahulugan ng salitang nanlilimos?
    nanghihingi
  •  5
  • Tukuyin ang gamit ng panghalip na makikita sa pangungusap. Kami ang mga batang naglalakad kagabi sa kalye.
    Kaganapang Pansimuno
  •  5
  • Ibigay ang kaukulan ng panghalip na makikita sa pangungusap. Ang bag niya ay nakabukas.
    Paari
  •  5
  • Ano ang kahulugan ng dumatal? (trahedya, dumating, tinalakay)
    dumating
  •  5
  • Piliin ang naiiba sa loob ng panaklong. (pari, tatay, pulis, manong)
    pulis - di-tiyak
  •  5
  • Punan ang patlang ng wastong panghalip na hinihingi sa panaklong. _______ ay parehong nabigla sa pagkamatay ni Black Panther.
    kami
  •  5
  • Ano ang kahulugan ng salitang mahinay? (mabagal, mahina, malinis)
    mabagal
  •  5
  • Magbigay ng limang (5) halimbawa ng panghalip pamatlig.
    dito, ito, heto, doon, diyan, iyan, ayan, hayun, ganyan, ganito, hayan, nito, iyon
  •  5
  • Hanapin lahat ng panghalip at tukuyin ang uri ng mga ito. Ang sagot sa iyong mga tanong ay maaari mong makuha doon.
    iyo/ng - panao, mo/ng - panao, doon - pamatlig
  •  5
  • Ano ang kahulugan ng salitang sagabal?
    hadlang
  •  5
  • Linangin mo pa lalo ang iyong kakayahan. Ano ang kahulugan ng salitang linangin?
    pagbutihin
  •  5
  • (Gaanuman, Sinuman, Kailanman) hinding-hindi kita makakalimutan dahil ikaw ay isang mabuting kaibigan sa akin.
    Kailanman
  •  5
  • Napagtanto ni Mo na hindi tama ang kanyang ginawa. Ano ang kahulugan ng salitang napagtanto sa pangungusap?
    napag-isipan/naisip
  •  5
  • Anong kaukulan ng pangngalan ang makikita sa pangungusap. Tinapon ng matanda ang papel na sinulat ni Mendi at Quen.
    Layon ng Pandiwa/Tuwirang Layon
  •  5