Hanapin lahat ng panghalip at tukuyin ang uri ng mga ito. Ang sagot sa iyong mga tanong ay maaari mong makuha doon.
iyo/ng - panao, mo/ng - panao, doon - pamatlig
5
Punan ang patlang ng wastong panghalip na hinihingi sa patlang. _______ ay parehong nabigla sa pagkamatay ni Black Panther.
kami
5
Palitan ng wastong panghalip panao ang mga salitang nasa loob ng panaklong at tukuyin ang panauhan at kailanan nito. (Sina Jacob, Kiko at Jacob) ay namasyal sa Sagada, Baguio at Ifugao.
Sila - Ikatlong Panauhan - Maramihan
5
Ibigay ang lahat ng panghalip na makikita sa pangungusap at tukuyin ang uri ng mga ito. Ano ang pasalubong mo sa akin galing sa China?
ano - pananong, mo - panao, akin - panao
5
Ano-anong gamit ng pangngalan ang nakapaloob sa kaukulang palayon?
Layon ng Pandiwa at Layon ng Pang-ukol
5
Piliin ang naiiba sa loob ng panaklong. (pari, tatay, pulis, manong)
pulis - di-tiyak
5
Magbigay ng tatlong (3) pangngalan na lansakan.
pangkat, tropa, barkada, buwig, batalyon
5
Ano ang kahulugan ng salitang kaltas?
bawas
5
Magbigay ng limang (5) halimbawa ng panghalip panaklaw.
gaanuman, lahat, anuman, saanman, alinman, madla
5
Basahin ang pangungusap at ibigay ang gamit ng panghalip na makikita. Si Donald Trump ay nagpositibo sa COVID-19.