Game Preview

ORAL QUIZ - GRADE 5 AND 6

  •  English    24     Public
    Oral assessment for Grade 5 and 6 :)
  •   Study   Slideshow
  • Ibigay ang lahat ng pangngalan na makikita sa pangungusap. Ang mga bata sa palaruan ay kumakain ng ice cream habang nakikipagkwentuhan kay Mang Kanor.
    bata, palaruan, ice cream, Mang Kanor
  •  5
  • Magbigay ng limang (5) ngalan ng tao ng pambalana.
    guro, pinsan, kamag-anak, kapatid, pulis
  •  5
  • Alin ang naiiba? halaga, kutsara, hustisya, kalayaan
    kutsara - tahas
  •  5
  • Piliin ang naiiba. tandang, manok, sisiw, itik
    tandang - panlalaki
  •  5
  • Kaninuman mapunta itong napakagandang regalo ay tiyak na masuwerte. Ibigay ang panghalip na nakita at tukuyin ito.
    kaninuman - panghalip panaklaw
  •  5
  • Gumamit ng panghalip pananong at gawing patanong ang pasalaysay na pangungusap na mababasa. Kasama ko kanina sa silid-aklatan sina Mark, Troy at Kurt.
    Sino ang kasama mo kanina sa silid-aklatan?
  •  5
  • Ibigay ang tatlong (3) kaukulan ng panghalip.
    palagyo, palayon, paari
  •  5
  • Ibigay ang apat (4) na gamit ng panghalip.
    paksa, kaganapang pansimuno, layon ng pandiwa, at layon ng pang-ukol
  •  5
  • Hanapin ang pangngalan sa pangungusap at tukuyin ang gamit nito. Melissa, ikaw ay tunay na kakaiba sa lahat.
    Melissa - pantawag
  •  5
  • Ibigay ang gamit ng pangngalan na kabilang sa kaukulang palagyo.
    Simuno, pantawag, kaganapang pansimuno, at pangngalang pamuno
  •  5
  • Hanapin ang panghalip na ginamit at tukuyin ang kaukulan nito. Kami ay nagtuturo ng mga bata sa kabilang barangay.
    kami - palagyo (paksa)
  •  5
  • Magbigay ng limang (5) pangngalan na pambabae.
    nanay, ate, inahin, madre, tita
  •  5
  • Magbigay ng limang (5) pangngalan na basal.
    pag-ibig, kalayaan, hustisya, katarungan, kapayapaan
  •  5
  • Basahin ang pangungusap. Hanapin ang lahat ng pangngalan at tukuyin ang uri nito ayon sa katangian at ayon sa tungkulin. Ang presidente ay naghahanda para sa darating na Pasko.
    presidente - pambalana - tahas Pasko - pantangi - basal
  •  5
  • Piliin ang naiiba. kumpol, baso, lapis, pambura
    kumpol - lansakan
  •  5
  • Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga salitang makikita sa loob ng panaklong. Ibigay ang panauhan at kailanan ng panghalip na ipapalit. (Ikaw at ako) _____ ay dapat sumusunod sa mga tuntunin na ibinigay ng ating pinuno.
    tayo - unang panauhan - maramihan
  •  5